Saturday, January 22, 2011

MMK


          "Hindi na mapigil ang agham at teknolohiya sa pagtuklas ng mga modernong kagamitan na angkop sa uri ng pamumuhay ng tao".
             Noong unang panahon,panahon pa ng hapon ay wala pang gaanong imbensyon, makinilya pa ang gamit noon.
             Sa isang bayan sa San Pablo ay may batang lalaking nagngangalang Jedidiah , 14 na taong gulang. Siya ay mataba, matalino at higit sa lahat mabuting tao. Isa siya sa masuswerteng bata dahil meron siyang makinilya na magagamit niya sa kanyang paggawa ng kanyang mga takdang-aralin, proyekto at iba pa. Ngunit ngayong uso na ang iba't ibang gadget tulad na lang kompyuter ay hindi na siya matatawag na "in" dahil wala siya nito. Kaya pinilit niya ang kanyang daddy na siya ay ibili nito...
             Malungkot si Maki Nilya. Siya'y nasa madilim at maruming sulok, sa ibabaw ng isang lumang mesang uuga-uga na. Marami na siyang alikabok. Bihira na siyang gamitin ni Jedidiah.
             Dati-rati, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jedidiah. Mangyari,nahahawakan ni Jedidiah ang kanyang mga letra at bilang. Nalilinis siya ng malilinis na daliri ni Jedidiah. Pagkatapos ng mahigit na isang oras ng pagmamakinilya ni Jedidiah ay lalo siyang natutuwa dahil masayang-masaya ang kanyang tagapag-alaga.
             "Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng computer. Mas madali akong makapagrireserts at mas mabilis akong makapagmamakinilya ng aking mga assignments," ang paliwanag ni Jedidiah sa kanyang sa kanyang ama.
             "Ano? Ipagpapalit na ako ni Jedidiah sa kompyuter? Hindi na ba ako mahal ni Jedidiah? Paano na niya ako malilinis kung may kompyuter na siya? Ano na ang mangyayari sa akin?" ang sunod sunod na tanung ni Maki Nilya.
             Kinabukasan, may bagong kompyuter na si Jedidiah. Malungkot na malungkot si Maki Nilya. Nainggit siya nang sa ibabaw nang isang bago't makinis na mesa ipinatong ni Jedidiah si kompyuter. Sinisimangutan niya si Kom Pyuter kapag nakikita niyang nakatingin ito sa kanya.
             "Okey ang kompyuter mo, Jedidiah,"ang sabi ng kanyang Daddy. "Mapagagaan at mapabibilis mo ang iyong mga gawain dahil madali kang makapagbubura kung may mali kang nai-tayp. Hindi pa mabubura o mawawala ang mga impormasyong minakinilya mo."
              Madalas mag-unahan sa paggamit na kompyuter si Jedidiah at ang kanyang mga kapatid. Nagkakaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.
              Isang araw, ibinalita sa radyo na mag-hapong magba-brown-out sa lugar nina Jedidiah. Hindi makapagkompyuter si Jedidiah. Ipapasa pa naman niya ang kanyang report sa kanyang guro bukas ng umaga.
              "Ano ang gagawin ko?" ang tanong niya. May naisip si Jedidiah.
              Nilapitan ni Jedidiah si Maki Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.
              "Kailangan din kita," Ang sabi ni Jedidiah kay Maki Nilya. "Ikaw yata ang unang gamit na iniregalo sa akin ni Daddy noong magtapos ako ng kinder. Aalagaan at gagamitin din kita lagi katulad ng kompyuter," ang sabi ni Jedidiah.
              Hindi na malungkot si Maki Nilya. Ngininginitian na niya si Kom Pyuter...
              At dito na po nagtatapos ang isa na naman nating kwento... Ito pa rin po ang MMK. "Maalala mo Makinilya Kaya"        

No comments:

Post a Comment